Thursday, July 15, 2010

Life Among the Filipinos - ang konklusyon..

sa dinami dami ng ginawa kong pagsasalarawan ng buhay ng mga pilipino, makikita ang napakalaking pag kakaiba ng buhay ng mga may kaya sa mahihirap..

ang masama nito, marami ang naghihirap. marami ang dumaranas ng masaklap na buhay. maraming reklamo. maraming hinihinging pagbabago.

ang ilang mayayaman naman, patuloy sa pagiging gahaman. mayroon na nga sila, gustong mang agaw pa ng iba.

hindi ko hinihingi na mag karoon ng egalitaryang sistema ng distribusyon sa lahat ng yaman ng pinas, pero sana, maging kuntento tayo sa kung ano ang meron at kung may sobra ay ipamahagi naman sa iba na higit na nangangailangan..

Life Among the Filipinos - sa bahay..


sa probinsiya, ang bahay parang ganito lang, simple.


pero kung may kaya ka, ganito kalaki ang bahay mo.. ganito kagara..


pero sa squatters area, ganito ang itsura..




..malayo sa bahay kubo o kahit sa isang simpleng dampa..

Life Among the Filipinos - sa pagtulog..


sakit ng katawan ang matulog kung sa bangketa at kariton ka nakahiga..

di katulad kung sa malambot na kutson at kama ka hihiga tulad nito..



at ito, na pambata..



o ito na mas moderno at mas magara..





pero paano kung sa lansangan ka nakatira, sa sahig ka hihiga, mabuhay ka pa kaya?

Life Among the Filipinos - ang mga transportasyon..


ordinaryong sasakyan ng mga medyo may kaya, civic. pero kung mas may kaya, porsche o BMW.

pero kung wala, jeep na lang talaga na madalas na gawing delivery van na rin..

sa larawan, si kuya, mag isa sa vintage car niya. sa kabila naman, sabit lahat ng tao, siksikan pa. kita ang diperensiya sa ganitong mga eksena..





tulad ng mga jeep, ang mga tricycle na rin ang mga sumusunod sa yapak ng mga ito sa pagdadala ng pasahero..

Life Among the Filipinos - sa hapunan...


ang masasayang kumakain sa labas.. mayayaman e..


ang mga aeta na nag aagawan sa pagkain..
at ang mga taong mayayaman na naghihintay sa kanilang order sa mga high class na resto..


Life Among the Filipinos - sa mga kainan...


ang mga mayayaman, sa mga sikat na resto pag may konting salu salo. pag binyag, birthday, graduation at kung anu ano pa.. kahit nga minsan ordinaryong araw lang, andito sila.


pero sa mga mahihirap, maswerte na sila kung makapag mcdo or jollibee sila minsan sa isang taon. pero pag may mga okasyon, talagang mang uutang ang mga magulang, mai blow out lang ang anak sa mga fast food resto na ito..

Life Among the Filipinos - sa kapaligiran...



ang typical na squatters area, na lugar ng milyong milyong tao sa pilipinas, nagsisiksikan sa kanilang sariling mga lungga, parang mga daga at sardinas..



at ang typical na subdivision sa pilipinas, tahanan ng mga mayayaman, may sariling security guard, may magagandang kabahayan, may naglalakihang clubhouse, at may mga magagarang sasakyan..

Life Among the Filipinos - sa mga kasalan...


ang mga mayayaman, enggrande ang kasal, magarbo, nakabihis lahat at talagang ginastusan..



pero sa mga probinsiya at mga mahihirap na lugar, maganda na kung may handaan talaga at mga pasayaw tulad nito na imbitado lahat ng kamag anak.. pero kung wala talaga, walang pagkain, walang handaan o kaya sa mga fast food resto na lang kakain..

Life Among the Filipinos - ang mga matatanda..


sa mga nakakaririwasang nakatatanda, casino ang libangan..

pero sa mahihirap, ang pag upo at pagtambay ang tanging magagawa..

Life Among the Filipinos - ang mag ina..


pinoy version, madonna and child in the basura..



habang nagpapaligo ng anak..

pero ito, kasamang kumain ng chocolates.


Life Among the Filipinos - sa pagsapit ng tanghalian..


masarap kumain kung ganyan ang kakainan..



pero paano sasarap ang pagkain sa batang ito na pahirapan ang pagluluto?


di katulad ng pamilyang ito na magana sa kanilang salu salo..



e pano naman sa mga batang ito na pati pusa kasalo, walang matinong pagkain, walang pagbabago..


Life Among the Filipinos - para sa mga bata...


ang mga poste, pwede ng playground para sa mahihirap..


pero sa mga batang ito, hi tech na laruan ang gamit kasama na diyan ang kantahan at sayawan..



pag umulan ng malakas, instant swimming pool na agad para sa mga batang kalye..


pero sa mas mayayamang pamilya, ang playground ay ganito kaganda..


o mas higit pa, lalo na kung nasa mall pa..

sa mga batang ito, ang kalye ang kanilang playground plus more excitement pag may sasakyang matutuntungan..


o kaya ang swimming sa baha..



o kaya masaya na sila sa kanilang mga paaralan..







Life Among the Filipinos - sa mga pamilihan...


di ba mas masarp mamili sa mga grocery? sa malamig at imported na mga bagay?


hindi katulad sa mga palengkeng maputik? mabaho? malansa?
pero sa karaniwang pilipino, bihira na ang pagpunta sa mga supermarket.. kasya na sila sa palengke at kung mas mahirap pa, sa mga basura...

Life Among the Filipinos - sa pagpapatuloy ng araw..


ang mga taong ito ay kumakayod para mabuhay, gagawin ang lahat, mairaos lang ang araw tulad ng paghahakot ng basura..



..pag aani ng mga dahong gulay para maibenta..

pero para sa ilang mga mayayaman, ang kanilang buhay trabaho ay simpleng pag iisip ng stratehiya sa negosyo, pag upo at pagtawag sa ilang kilalang tao..



pero di nila naiisip ang mga taong katulad nito na kung kumayod ay parang mga kalabaw, walang pagod, walang reklamo..


Life Among the Filipinos - sa pagsisimula ng araw..


ang mga ina na ito ay nagtatrabaho at nag aalaga sa kanilang mga anak ng sabay sa pagnanais na kumita para may ipampapakain sa mga anak nila..


para naman sa mga naka aangat sa buhay, ang pag aalaga ng anak ay sinasabayan ng pagpapahinga na rin o pagbabakasyon.


pero para sa nakararaming ina, ang pag aalaga ng bata ay walang anumang kasabay na gawain dahil ito ay isang importanteng trabaho..


Life Among the Filipinos - sa pag gising sa umaga..



sa umaga, para sa isang karaniwang pinoy, pwede na ang taho bilang almusal.. pantawid gutom para sa mga nagmamadaling ordinaryong tao..


o kung mas may oras naman sa bahay, nandiyan ang pambansang almusal na pan de sal, mura na, masarap pa lalo na kung bagong luto..

pero kung mas maagang naka paghanda, mas masarap kung ang nakaugaliang tuyo at kamatis ang almusal.


pero para sa mga nakaririwasang pilipino, ang almusal ay parang ganito.. kumpleto pati prutas na kahit na ang karaniwang pilipino, madalang matikman..
patunay na sa simula pa lang ng araw, malaki na ang pagkakaiba ng buhay ng mga mayayamang pinoy sa mga mahihirap...